SHEEP-CLP: Mayor Darlene Antonino namahagi ng 10 robots

robotics pix

                Upang mapataas ang antas at mapayabong ang kalidad ng mga estudyante sa larangan ng bagong teknolohiya,pormal na ipinamahagi ni Mayor Darlene Antonino ang 10 robots sa Pambansang Mataas na Paaralan sa Lungsod ng Heneral Santos ( PMPLHS) sa pangunguna ni  G. Angelito c. Llanos, prinsipal ng nasabing paaralan na ginanap sa SM City, Lungsod ng Heneral Santos , Setyembre 4, 2012.

Dumalo din sa nasabing programa si G. Mario Bermudez,OIC- Asst. Schools Division Superintendent/ EPS-1 Mathematics, na siya ring nangunang tumanggap ng ibinahaging gamit ni Mayor.

Binigyang- diin ni Mayor Darlene  na kailangang mapataas ang kaalaman ng mga estudyante sa laragan ng teknolohiya upang may sapat na kakayahan itong makipagkumpitensya   sa buong mundo at mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyanteng  nasa pampublikong paaralan na maging maalam tungkol sa bagong programa  na robotics.

Naipamahagi ang nasabing robot sa pamumuno ng SHEEP- CLC (Shelter Health Education Environment and Peace and Order- Computer Literacy Program) sa pangunguna ni G. Percival D. Pasuelo, tagapamahala sa nasabing bagong programa.

Kabalikat ng SHEEP-CLC ang Rapid Signal Electronics ( RSE ) sa pagbibigay ng mga pagsasanay sa iba’t ibang pangkat  ng mga estudyanteng mula sa Engineering And Science Education Program (ESEP) at Special Program in the Arts (SPA).

Lubos ang pasasalamat ni G, Angelito C. Llanos sa ibinigay ng local na pamahalaan lalung- lalo na kay Mayor Darlene Antonino.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s