National Arts Festival 2012

Guro’t estudyante ng SPA, dumalo sa pagsasanay

           Upang mahasa ang angking talento ng grupo ng mga piling estudyante at mapalago ang kaalaman ng mga guro sa Espesyal na Programa ng Sining (SPA), dumalo ang nasabing grupo sa isang pagsasanay sa Ikaapat na Sining Pambansa na ginanap sa Iloilo National High School, Lungsod ng Iloilo, Abril 9- 13, 2012.

          Pinangunahan ni G. Angelito C. Llanos, punong- guro ng Mataas na Paaralan Lungsod ng Heneral Santos at Gng. Nida P. Lumunsad, koordineytor ng SPA ang grupo sa pagdalo sa limang araw na pagsasanay.

          Kabilang sa dumalo ay ang mga guro’t estudyanteng magagaling sa iba’t ibang disiplina. Sina  G. Crispulo Lumunsad at Hamsa Wata sa Music Strings, kasama din si Bb. Rosalie Jao, Angelica M. Llanos at Jake Ryan Tangunan naman sa Music Piano. Si G. Noel Baterbonia, Joey Suerte at Dave Peña sa Visual Arts. G. Randy Saing, G. Rommel Lozada at Lloyd Vicen Dagmil naman sa Media Arts. Sina Gng. Ma. Emileen  Salano, Gng. Flora Mae Quadalquiver, Judy Ann Pagcalibangan at Jason Pagcalibanagan sa Dance. Gng. Eden Tejada at Janine Marie Castardo naman sa Music Vocal at Gng. Carol Perez, Gng. Marivic T. Delmo at Kaye Escote naman sa Theater Arts.

          Kasali ring dumalo sa nasabing pagsasanay ang mga piling guro’t estudyante na mula sa Tupi, Pigcayauan at Kidapawan High School. Kasabay din ang aktibong partisipasyon ni Gng. Marianela Angeles, Regional Supervisor upang magbigay suporta at maging puno ng tagapangatawan ng Rehiyon XII.

          Hindi rin nagpahuli ang mga estudyanteng kalahok ng Rehiyon XII laban sa ibang mga rehiyon na magpakitang – gilas sa Talent Showcase na ginanap sa ikalawang araw ng pagsasanay.

          Humanga ang mga kalahok sa ipinakitang talento at kaalaman ng mga tagapagsalita sa bawat disiplinang kanilang dinaluhan. Ipinakita sa kanila ang iba’t ibang pamamaraan at estratehiya para sa pagdebelop ng mga angking talento nito.

          Lubos ang pasasalamat ni Gng. Nida P. Lumunsad kay G. Angelito Llanos sa kanyang panahon at ang patuloy na pagsuporta sa grupo at maging sa mga aktibidad ng programa ng SPA.

Isinulat ni: Mrs. Marivic T. Delmo

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s